Paulit-ulit na sinasambit ng mga mag-aaral, guro, at alumni ng Ateneo de Manila University: “This is not the Ateneo I know.”
Hindi lang mga taga-Ateneo ang nagtataka. Bakit hindi maaninag ang pagmamalasakit at paninindigan ng Ateneo ngayon? Lalo na ngayon na namatayan ito ng dalawang batang atleta — sina Rene Baterbonia, 18, and Divine Adili, 21?
Where’s the courage of the learning institution that spoke up against Martial Law, joined the EDSA revolution, spoke up vs the war on drugs, fought against corruption and championed good governance? Nasaan ang diwang nagpalaki sa mahuhusay na lingkod-bayan tulad ni Joy Belmonte at Vico Sotto?
Nasaan ang compassion na nagdadala sa mga estudyante ng Ateneo sa maralitang tagalungsod, fisherfolk, at magsasaka sa ilalim ng immersion program nito?
Compassion is a big buzzword in Ateneo. Hindi dahil sa pakitang-tao, kundi dahil sa kultura ng pagkalingang yumayakap sa mga estudyante, guro, komunidad at kawanggawa nito.
Much has been said about the pathetic response of the Ateneo leadership seen as “cold,” “bordering on indifferent,” not to mention the lack of clarity and transparency. Mismong ina ni Baterbonia, sinabing hindi siya nakakuha ng malinaw na kuwento o paliwanag. Tumakbo pa sila sa governor ng Agusan del Sur upang humingi ng tulong makalipad ng Maynila.
Ayon sa mga abogadong alumni ng Ateneo, ang unang response daw dapat ng Ateneo ay ilagay si Tad Baldwin at ang coaching staff sa preventive suspension, at tiyaking putol ang komunikasyon niya sa mga ibang players. Dapat daw ay hiningan ng blow-by-blow account ng Ateneo ang mga sangkot — at kagyat itong inirelease sa pamilya, at maging sa publiko.
May limang leksiyon sa crisis management na malinaw sa debacle ng Ateneo.
As of presstime, hindi pa rin humaharap si Coach Tad Baldwin sa pamilya ni Rene, hanggang umabot na sa puntong inilipad na ang labi ni Rene sa Davao. Nauna pa ang Ateneo de Davao na magbigay ng scholarship sa mga kapatid ni Rene.
Naparalisa ba ang Ateneo dahil sa takot sa litigation? Umasa ba ito ng tulad ng kaso ng sexual harassment ng player na si Forthsky Padrigao, puwede nitong idahilan na “wala itong legal jurisdiction” at lilipas din ‘yan?
Why was Ateneo so shell-shocked that it retreated in silence? Dahil ba matagal nang may free rein ang Ateneo coaching staff sa pagpapatakbo ng training ng Men’s Basketball Team? Wala bang safety at human protocols na nangalaga sa mga atleta? Hindi ba nangahas makialam ng management sa elite coach na nagdala sa Ateneo ng elite status at nag-uwi ng repeat championships sa loob ng isang dekada?
Ito’y sa kabila ng umano’y naunang near-drowning incident ng dating player na si GBoy Babilonia na dapat ay nag-trigger ng probe at preventive suspension. Ito’y sa kabila ng mga podcast ng mga player na tinawag ang training ni Coach Baldwin na “bootcamp,” “deadly,” at “hell week.”
Ang daming pangarap ni Rene — he was the success story from Agusan del Sur, the prodigy discovered in Palarong Pambansa. Nalunod lahat ng potensiyal na ‘yan sa harap ng macho team building na in the words of Tad Baldwin, “breaking-down of egos“. More like indoctrination at self-demolition?
Sanay na tayo sa mga ganitong kapalpakan sa gobyerno. Pero ang makita ito sa isang premier university na katulad ng Ateneo, tunay na nakababahala. Sabi ng sports editor ng Rappler na si Jasmine Payo, “what we saw was an elite institution protecting itself.”
Hindi ito ang Ateneo sa pagkakakilala ng lahat. – Rappler.com

